Sabado, Nobyembre 12, 2011

Pacquiao Won!

PACQUIAO vs MARQUEZ




    Nagbubunyi na naman ang mga Piliipino sa pagka-panalo ni Congressman Manny "Pacman" Pacquiao. Kanina habang nanonood kami ng ASAP ROCK; Tita ko nakikinig ng Radio. Sabi ng Tita ko "mananalo na si Marquez". Sabi ko naman "Kapag nanalo sa Marquez lahat ng Naipon na Award ni Pacquiao mapupunta kay Marquez at back to zero na naman si Pacman.". Pero Pati si Mama ko eh nakibalita din sa amin kung nanonood daw kami ng Pacquiao vs Marquez. Halos magkalapit lang yung score nilang dalawa eh pero pinatunayan na naman ni Pacman na Pilipino talaga ang nararapat na manalo at mga Pilipino talaga ang matibay. 

   Alam kong madami sa atin ang nagDoubt kung mananalo nga ba si Pacquiao sa laban dahil maski ako man ay naghinala din sa kakayahan ni Pacman ngunit alam ko sa bawat laban ni Pacquiao lahat ng mga Pilipino, may TV man o wala, ay nasa harap ng TV nakatutok. Sabi nga "kapag malakas ang pananalig  mo, kahit ilang suntok ang matanggap mo babangon at babangon ka pa din." Kilala ang mga Filipino sa pagkakaroon ng Pananalig sa Diyos at ito ang dahilan kung bakit sa panahon ng kahirapan, Pilipino ay nakangiti pa din.


  Ngunit kagilagilalas din ang ipinakita ni Marquez dahil isa siya sa mga modelo ng pagiging matibay na tao, bilang isang Mexican, at bilang tao nanagsisikap. Nananalo na siya pero ayaw niya paring tumigil hanggang sa manalo pero nabigo parin siya. Ngunit sa pagsisikap niya kahit ilang beses na siyang tinalo n Pacquiao, hindi parin siya sumuko. He's a Mexican who fought for his country and for himself prove that he is still standing until the very end.
    
  Madami na tayong maipagmamalaki sa buong mundo, ang PP Underground River na nakasama sa new 7 wonders of the world at Pacman Won!, kahit hindi naging maganda ang ekonomiya ng Pilipinas sa mga nakaraang Taon. Sana sabay-sabay parin nating panatilihin ang pagkakaisa sa bawat isa katulad ng kapag tayo ay nanonood ng laban ni Pacman.Iisa ang mithiin: "ang suportahan at manalo si Pacquiao". Sana ganun din tayo mag-isip pagdating sa bansa natin: "ang iangat ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagsuporta at pagtulong sa bawat isa." 


PROUD TO BE FILIPINO!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento